Inanunsiyo ng World Health Organization (WHO) ang pagsasagawa nila ng international trials ng tatlong gamot na tutulong sa pagpapagaling sa mga taong dinapuan ng COVID-19.
Sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus, magsisimula sa buwan ng Disyembre ang clinical trial ng mga gamot na atresunate, imatinib at infliximab.
Susubukan ito sa mahigit na 600 pagamutan sa 52 bansa.
Dagdag pa nito, mahalaga ang paghahanap ng kasalukuyang gamot sa nasabing virus.
Ang artesunate ay ginagamit sa paggamot sa mga mayroong malubhang malaria, habang ang imatinib ay gamot para sa mga cancers at ang infliximab ay ginagamit sa mga immune system disorders gayang Crohn’s at rheumatoid arthritis.
Ang nasabing mga gamot aniya ay ibinigay na donasyon ng mga drug companies at ibibigay na sa mga pagamutan para masimulan na ang trials.