-- Advertisements --

Binigyan lamang ng tatlong araw ng Manila City Mayor Isko Moreno ang mga tauhan ng City Engineering Department para magsumite ng ulat hinggil sa gumuho nitong gusali kahapon.

Batay sa memorandum ni Moreno, inatasan nito ang naturang tanggapan nang agarang imbestigasyon sa insidente na ikinasawi ng dalawang lalaki.

Nais din daw malaman ng alkalde ang dahilan kung bakit gumuho ang gusali.

Plano ng lokal na pamahalaan ng sampahan ng kaso ang pamunuan ng establisyemento at contractor sa demolisyon ng gusaling gumuho.

Nabatid kasi na nasa ilalim ng demolisyon ang gusali ng hotel nang mangyari ang insidente.