-- Advertisements --
ROXAS CITY – Sugatan ang tatlong construction worker sa Capiz matapos mahulog mula sa kinatatayuang platform ng ginagawang gusali sa Roxas City.
Kinilala ang mga biktimang sina Rodolfo Aguas, Jun Guzman, at Ryan Jay Orala.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ng isa sa mga security guard ng Roxas Memorial Provincial Hospital, na nasa ika-limang palapag ng ginagawang OPD Department building ang tatlo nang biglang bumagsak ang platform kung saan sila naksampa.
Nagtamo ng iba’t-ibang sugat sa katawan ang tatlo na agad din dinala sa ospital.
Iniiimbestigahan naman ng mga otoridad ngayon ang insidente.
Batay sa ulat, nagkakahalaga ng halos P150-milyon ang proyekto na dapat sana’y tapos noon ang Marso.