-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) na lahat ng tatlong close contacts ng unang kaso ng Omicron subvariant na BA.4 sa bansa ay asymptomatic.

Paliwanag ni Dr. Alethea de Guzman, officer-in-charge ng DOH Epidemiology Bureau na ang unang kaso ng BA.4 na isang returning OFW, na hindi pa bakunado at mayroong travel history mula sa Qatar at South Africa ay nakumpleto na ang kaniyang quarantine noong May 4 hanggang 18 bago ito nakauwi at nagkaroon ng close contact sa tatlong miyembro ng kaniyang pamilya.

Ayon sa DOH ang tatlong close contacts nito ay fully vaccinated naman at hindi nagpapakita ng anumang sintomas ng Covid19

Bagamat beniberipika pa ang resulta ng covid19 test ng mga close contacts ng BA.4 case.

Una rito, iniuri ng European Center for Disease Prevention and Control ang BA.4 bilang isang variant of concern (VOC) na nangangahulugan na ito ay mas nakakahawa o kayang magdulot ng mas malalang sakit.

Ayon naman sa mga pag-aaral ng mga eksperto na ang naturang sublineage ay hindi nakakapagdulot ng svere COVID19 symptoms kumpara sa ibang omicron subvarinats subalit may potensyal ito na muling ma-overwhelm ang mga ospital dahil sa transmissibility nito.