-- Advertisements --
Ibinunyag ng Israel Defense Forces na aksidente nilang nabaril at napatay ang tatlong Israeli hostages sa Gaza.
Ayon kay IDF spokesperson Daniel Hagari na napagkamalan ng kanilang sundalo na mga Hamas ang mga bihag at isang banta sa kanila kaya pinagbabaril nila ang mga ito.
Kinilala ang mga ito na sina Yotam Halm at Samer Talaka na kapwa binihag ng mga Hamas sa Kibbutz Kfar Aza at Kibbutz Nir Am habang ang isang lalaki ay hindi na inilabas ang pagkakakilanlan.
Naganap ang insidente ng magsagawa ng paghaluglog ang mga sundalo ng Israel sa Gaza.
Dinala na sa Israel ang mga bangkay ng biktima kung saan nagpaabot ng pakikiramay ang Israel Defense Forces sa mga kaanak ng biktima.