-- Advertisements --
Binigo ng Philadelphia 76ers ang Brooklyn Nets sa iskor na 127-108 sa NBA preseason games sa kabila na nagsama-sama sa unang pagkakataon ang tatlong big stars.
Nagbuhos ng 20 points si Tyrese Maxey, at pareho namang may tig-15 points sina Julian Champagnie at Furkan Korkmaz para tuluyang masungkit ang panalo sa exhibition game.
Sa kabilang banda, ang veteran superstar player ng Brooklyn na si Kevin Durant ay nagpakita ng 13 points habang si Kyrie Irving ay meron lamang kakarampot ng nine points at four assists.
Sa unang laro naman ni Ben Simmons mula ng magkaroon ng injury ay nagdagdag ito ng six points at five assists para sa Nets. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)