-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Muling binaha ang tatlong bayan sa probinsya ng Cotabato.

Sa bayan ng Kabacan at Pikit Cotabato may ilang Barangay na ang binaha dulot ng pag-apaw ng Pulangi river.

Sa Alamada Cotabato ay rumagasa ang baha mula sa kabundukan sa national highway sa Barangay Camansi.

Ilang gabi na at araw na inulan ang probinsya ng Cotabato dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Sa ngayon ay pinag-iingat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM) ang mga nakatira sa gilid ng ilog at bundok na mag-ingat sa pagragasa ng baha at pagguho ng lupa.