MANILA – Nakapagtala pa ang Pilipinas ng tatlong bagong kaso ng mutations ng SARS-CoV-2 virus, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa isang press statement, sinabi ng DOH na natukoy sa pamamagitan ng genome sequencing ang tatlong bagong kaso ng dalawang “mutations of concern” sa virus.
“The DOH, UP-PGC (Philippine Genome Center), and UP-NIH (National Institute of Health) further report that an additional sample from Region 7 belonging to the last (6th) genome sequencing batch was found to have both N501Y and E484K mutations, while 2 among the 80 Region 7 samples sequenced in the 7th batch were also found to have both mutations, bringing the total to 34.”
Una nang sinabi ng Health department may may “potential clinical significance” ang nabanggit na SARS-CoV-2 mutations.
Nakita ng mga international health experts ang E484K sa South African variant. Ang N501Y mutation naman ay nakita sa UK (United Kingdom) variant, na sinasabing mas nakakahawang anyo ng COVID-19 virus.
Inalerto na ng Health department ang Center for Health Development – Central Visayas para imbestigahan ang mga kaso ng mutation ng virus sa rehiyon.
“Case investigation and contact tracing for these new detections have also been jointly initiated by the DOH through the Bureau of Quarantine, Centers for Health Development, and regional epidemiology and surveillance units (RESU), in close coordination with concerned LGUs, local health offices, local epidemiology and surveillance units, and law enforcement authorities.”
Plano raw ng mga ahensya na ipadala sa World Health Organization at Global Initiative on Sharing All Influenza Data ang mga natuklasang resulta ng genome sequencing.
Ito ay para makatulong na rin sa pag-aaral na ginagawa ng mga eksperto para malaman ang mga pagbabago pa sa anyo ng SARS-CoV-2 virus.
Umapela ang DOH sa mga local government units na panatilihin ang pagpapatupad ng iba’t-ibang stratehiya, at tiyaking nasusunod ng publiko ang minimum public health standards.