LAOAG CITY – Naitala ang tatlong bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte.
Ito ang kinumpirma ni Gov. Matthew Marcos Manotoc sa Facebook page niya at kinilala ang mga itong sina IN-C59, IN-C60 at IN-C61.
Base sa stament, si IN-C59 ay isang babae na 40-anyos at residente ng Brgy. 12 ng nasabing bayan.
Wala itong travel history, asymptomatic at nakasalamuha si IN-C52 na 61-anyos.
Samantala, nakasalamuha nila IN-C60 at IN-C61 ang unang nagpositibo sa virus na si IN-C56 na kanilang kabarangay.
Si IN-C60 ay isang babae na 40-anyos habang si IN-C61 ay isang lalaki na 38-anyos at parehong residente ng Brgy. 8, Sarrat.
Parehas ang mga ito na walang travel history, asymptomatic at kasalukyang naka-isolate ang mga ito.
Kaugnay nito, inilahad ni Manotoc na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya ay resulta ng extended targeted testing.
Paliwanag ng gobernadorhindi lamang nagawa ang testing sa mga primary contacts ngunit pati na rin sa mga secondary contacts ng mga nagpositibo at nakatira sa critical at containment zones.
Dagdag niya na magsasagawa ang Provincial Contact Tracing Team ng iba pang set ng expanded targeted testing para makumpleto ang 10 porsiyento na targeted population ng bayan ng Sarrat.