-- Advertisements --
Nakabalik na sa mundo ang dalawang US astronaut at isang Russian cosmonaut mula sa pananatili sa International Space Station.
Umalis sa mundo noong Setyembre 2019 sina Russian Oleg Skypochka at Jessica Mier ng US habang nandoon na sa ISS si American Andre Morgan noong Hulyo 2019.
Dahil sa coronavirus pandemic ay nabago ang kanilang pangkaraniwang kalakaran.
Sinabi ni Meir na nakakapanibago dahil ibang-iba na naging sitwasyon ngayon sa mundo.
Umabot sa 205 na araw nanatili sa kalawakan sina Meir at Skyprochka habang 272 araw naman nanatili si Morgan.
Lumapag sa Kazakhstan ang capsule na sinakyan ng tatlo.