-- Advertisements --

Arestado ang 3 lalaki sa ikinasang anti-drug operations sa Anonas, Quezon City.

Target ng operasyon ang suspek na si alyas Lloyd Adam sa mismong bahay nito sa Pook Arboretum, Barangay UP Campus.

Naaktuhan din sa lugar ang dalawa pang suspek na bumibili ng droga na kinilala lamang sina alyas Eddie Boy at Richard.

Inihahanda na ng PNP ang kaso laban sa mga suspek.