-- Advertisements --

Iniulat ng US Department of State na nasa tatlong American fighters ang nawawala ngayon sa Ukraine kung saan dalawa dito ang pinangangambahang dinakip ng Russian troops.

Ngayong linggo lamang, napaulat na nasa dalawang military veterans na nakikipaglaban para sa Ukraine ang dinakip at mayroong isa pang American na hindi pa natuloy ang kinaroroonan.

Sa nakalipas na linggo, tatlong mga foreign prisoners ang hinatulan ng kamataya dahil sa pagtulong sa Ukraine.

Dalawang British national at isang Moroccan ang sinentensiyahan ng Russian-backed separatist court sa Donetsk region ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad.

Ayon naman sa White House, puspusan ang kanilang pagsisiyasat sa naturang mga unverified reports sa nawawala o nadakip na American fighters sa Ukraine.