-- Advertisements --

Aabot ng halos 2,000 medical technologists at medical laboratory technicians ang nanumpa online.

Base sa datos na hawak ng Professional Regulation Commission (PRC), nasa 1,957 medical technologists at medical laboratory technicians ang nanumpa via virtual platform.

Pinangunahan ni Marilyn A. Cabal-Barza, chairperson ng Professional Regulatory Board of Medical Technology (PRBoMT) ang Recital of the Professional’s Oath.

Habang si Marian Tantingco naman, miyembro ng PRBoMT, ang nanguna sa Recitation of the Code of Ethics.

Sa naging mensahe ni PRC Chairman Teofilo S. Pilando Jr., sinabi nito na 70 percent ng kasalukuyang medical decisions ay nakadepende sa laboratory test results. Pagpapatunay lang aniya ito ng mahalagang papel ng clinical laboratories sa healthcare system ng bansa.

Sa naging closing remarks naman ni PRC-NCR Director L. Louis Valera, nagpaalala ito sa mga bagong professionals na ang professionalism, excellence, at compassion ang dapat nilang isapuso sa lahat ng oras.

Ang naturang virtual oathtaking ay pinangasiwaan ng PRC NCR sa tulong ng PRC Lucena, PRC Baguio, PRC Davao, PRC General Santos, PRC Legazpi, PRC Iloilo, PRC Cagayan De Oro, PRC Tuguegarao, PRC Pagadian, PRC San Fernando, Pampanga, at PRC Cebu