-- Advertisements --

(UPDATE) Patay ang 29 katao kasunod ng nangyaring magnitude 7.9 na lindol sa Haity kagabi (oras sa Pilipinas).

Ayon sa USGS, ang naturang malakas na lindol, na sinundan ng ilang aftershocks, ay naitala sa 8 km mula sa bayan ng Petit Trou de Nippes, nasa 150 km west ng capital Port-au-Prince, sa lalim na 10 km.

Ang pagyanig na ito ay naramdaman hanggang sa Cuba at Jamaica, at posibleng pinakamalaki at mas mababaw ang lalim kaysa magnitude 7 na lindol 11 taon na ang nakaraan na kumitil sa buhay ng napakaraming tao.

Sa Les Cayes, na mayroong populasyon na 126,000, maraming mga buildings ang gumuho o nagtamo ng matinding pinsala.

Sinabi ni Civil Protection Director Jerry Chandler na kabuuang 29 katao ang binawian ng buhay habang marami naman ang sugatan.

Samantala, binawi na ng U.S. Tsunami Warning System ang tsunami warning na kanilang nauna nang inilabas.

Kaagad namang nagpadala si US President Joe Biden ng immediate response sa nangyaring lindol at itinalaga si Samantha Power, administratior ng U.S. Agency for International Development, bilang coordinator.