-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakapagtala ng pinakamaraming patay ngayong araw lamang dahil sa COVID-19 ang Caraga Region matapos na umabot ito sa 29 habang pinakataas din ang mga bagong kaso na umabot sa 704 kung saan sa nasabing bilang, 683 ang naka-isolate at 369 ang mga nakarekober.

Dahil dito’y umabot na sa 39,643 ang cumulative COVID-19 cases nitong rehiyon kungsaan 6,713 nito ang naka-isolate habang 31,646 ang nakarekober na ng tuluyan at 1,284 na ang kabuu-ang patay.

Patuloy na nangunguna sa mga may maraming kaso ang Agusan del Sur na nagtala ng 207 mga kaso na sinundan ng Butuan City-61 at ng Surigao del Sur-101.

Nasa double digit naman ang mga kaso sa Bayugan City na umabot sa 56; Agusan del Norte-53; Tandag City-30; Bislig City ug Cabadbaran City na parehong umabot sa 28; habang 19 na mga kaso ang naitala sa Dinagat Island province; 10 sa Surigao del Norte at 8 sa Surigao City.