-- Advertisements --

Aabot sa 26 na bangkay na mga aso at tatlong pusa ang nakitang itinapon sa Bulacan.

Ang mga ito ay nakalagay sa plastic bag ng matagpuan ng mga otoridad sa Barangay Minuyan Proper sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Nakaamoy umano ang mga residente ng hindi magandang amoy kaya agad nilang tinungo sa lugar at tumambad ang mga labi ng hayop.

Nakakabit sa aso ang mga pangalan nila at kanilang mga timbang.

Lumabas na ang mga ito ay galing sa pet aftercare facilities sa Bacoor, Cavite kung saan pineke umano nila ang cremation ng mga hayop at ibinigay ang abo sa mga amo ng mga subalit ang katotohanan itinapon lamang ang mga ito.

Tiniyak naman ng mga animal groups na kanilang papanagutin ang kumpanya dahil sa hindi tamang pag-dispose ng mga hayop.