-- Advertisements --
Patay ang 29 katao kabilang ang mga bata matapos na tamaan ng misiile ang kampo ng mga migrants sa north-east Myanmar.
Ang kampo na matatagpuan malapit sa border ng China ay kontrolado ng Kachin Independence Organization isa sa ilang mga ethnic insurgent groups.
Sinabi ng grupo na ang mga nasawing biktima ay pawang mga sibilyan.
Ito na ang itinuturing na pinakamadugong atake sa pakikipaglaban nila sa Kachin State.
Ayon naman sa Kachin official na pinaigting ng kanilang sundalo ang atake sa mga lugar na pinapatakbo ng KIO dahil sa mga dumadami ang mga suporta ng mga ito.