Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aabot na sa 280,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang nakatanggap ng cash assistance mula sa gobyerno.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOLE na naibahagi na nito ang P2.853 billion na pondo sa ilalim ng kanilang Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program na siyang tumutulong sa mga land-based at sea-based Filipino workers na naapektuhan ng coronavirus pandemic.
Naaprubahan naman ng ahensya ang 312.974 applications para sa nasabing financial assistance na natanggap naman ng Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) at Overseas Workers Welfare Administration (OWW).
Sa ngayon ay pumalo na ng 10,549 na mga Pinoy sa ibayong dagat ang tinamaan ng COVID-19 habang 793 na ang nasawi at 6,750 ang gumaling.