-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Matagumpay na ipinagdiwang ng Cotabato Provincial Office (CPPO) ang ika-27 Police Community Relations Month Celebration na ginanap sa CPPO Covered Court, Amas, Kidapawan City.

Ang nasabing culmination program ay pinangunahan ni Police Provincial Director PCol Harold S. Ramos kung saan pinasalamatan nito ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at lahat ng mga mamamayan ng lalawigan na naging katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at katiwasan sa mga komunidad.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan naman ni Governor Emmylou Taliño Mendoza sa pamamagitan ni Retired PBGen. Roberto Badian ang lahat ng PNP officials and personnel sa dedikasyon at serbisyong ibinibigay ng mga ito matiyak lamang ang seguridad at kaligtasan ng bawat Cotabateño..

Tema ng 27th Police Community Relations Month Celebration: ” Ugnayang Pulisya at Komunidad tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.