-- Advertisements --

Nakapagtala ang ang Department of Health (DOH) ng panibagong mga nadagdag na kaso na tinamaan ng COVID-19 sa 2,778.

Dahil dito umakyat na sa 27,625 ang mga aktibong kaso ngayon sa Pilipinas o mga pasyente.

Kabilang naman sa mga top regions kung saan ang mga kaso nitong nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 12,440, sinusundan ng Calabarzon na may 7,876, Central Luzon 3,600, Western Visayas may 2,501, at Central Visayas nagtala ng 1,414 sa loob ng dalawang linggo.

Ang kabuuang mga nasawi na sa bansa mula taong 2020 dahil sa deadly virus ay nasa 60,694.

Meron kasing 42 nadagdag na COVID-19-related deaths ang na-record ng DOH.

Sa ngayon ang bed occupancy sa na okupado ng mga pasyente na may COVID-19 ay nasa 25% o katumbas ng 7,247.

Samantala sa loob lamang ng isang linggo merong 19,536 na mga bagong COVID-19 cases ang naitala sa bansa sa pagitan ng July 18 hanggang July 24, 2022.

Ayon sa DOH ito ay 33% na mas mataas kumpara sa nakalipas na linggo.