
Nasa 271 Sulu Abu Sayyaf returnees ang nabigyan ng tulong bilang bahagi ng social integration benefits na ibinibigay ng gobyerno para sa mga rebeldeng magbalik loob sa pamahalaan.
Mismo ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) sa pangunguna ni Atty. Raisa Jajurie ang namahagi ng financial assistance sa mga Abu Sayyaf returnees na ginanap sa Headquarters, Joint Task Force Sulu.
Dumalo din sa nasabing aktibidad si Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt.Gen. Corleto Vinluan.
Nasa 144 ASG returnees ang nakatanggap ng 15,000 cash assistance na gagamitin para sa mga livelihood projects gaya ng farming, fishing, aquaculture poultry at livestock raising.
Una ng nakatanggap ng financial na tulong ang nasa 127 na mga ASG returnees nuong buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon na dumalo din sa nasabing aktibidad.
Ang Localized Social Integration Program (LSIP) ay joint program ng Sulu LGU at JTF Sulu sa ilalim ng Provincial and Municipal Task Force ELCAC.
Siniguro naman ni Joint Task Force Sulu Commander BGen William Gonzales lalo pa nilang palalakasin ang Balik Barangay Program sa probinsiya.
Dagdag pa ni Gonzales, kanilang tututukan ang kalagayan ng mga internally displaced persons (IDPs) mula sa barangays Maligay at Kabontakas nasa proseso na ngayon para bumalik sa kani-kanilang mga barangays.
Maging ang mga IDPs mula sa barangays Panglayahan, Pansul, at Timpook.










