Patay ang nasa 27 katao 106 ang sugatan ng magkasagupaan ang dalawang magkalabang puwersa sa Tripoli, Libya.
Nagsimula ang kaguluhan nitong Lunes matapos na ikulong ang commander ng 444 Birgade na si Mahmoud Hamza.
Tumangka kasi itong magtungo sa Mitiga airport kaya inaresto siya ng kaaway na faction na Special Deterence Force na siyang nagkokontrol ng paliparan.
Hindi naman malinaw kung ano ang naging sanhi ng pagkaaresto sa kaniya.
Bahagyang nahinto ang nasabing kaguluhan nitong Martes ng magkaroon ng kasunduan na pinamunuan ng United Nation recognized na Government of National Unity para mailipat ang Hanza sa neutral party.
Tiniyak naman ng United Nations Support Mission in Libya na kanilang mahigpit na binabantayan ang mga kaganapan sa Libya.