Ipinahayag ng kampo ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na ginagamit umano ng administrasyon laban kay Senator Leila de Lima ang iba pang bilanggong kasama nito sa kulungan.
Kasunod ito ng pagbawi ni Espinosa sa kanyang naging mga pamamaratang kay de Lima sa kanyang naging mga pahayag sa Senado noong 2016.
Sinabi ng abugado ni Espinosa na si Atty. Raymund Palad na mayroong iba pang mga indibidwal na may kaugnayan at pangalan sa drug crime ang ginagamit umano ng pamahalaan laban sa senadora.
Ang 27 iba pang mga drug and crime personalities na kinasuhan ng National Bureau of Investigation
(NBI) hinggil sa mga alegasyon ni Espinosa ang tinutukoy ni Palad.
Aniya ginagawa ito ng gobyerno upang lalong madiin si De Lima sa mga ilegal drug charges laban sa kanya.
Samantala, una rito ay sinabi na ni prosecutor general Benedicto Malcontento na walang kinalaman ang ginawang pagbawi na ito ni Kerwin sa mga kasong nakasampa laban kay Senator Leila de Lima.
Magugunita na sinabi ni Espinosa na ang nauna niyang pahayag na nagdadawit kay de Lima ay bunga lamang ng pamimilit at pagbabanta sa kanyang buhay ng mga pulis dahilan kung bakit nagawa umano niyang magsinungaling.Top










