-- Advertisements --
Hind bababa sa 26 katao ang nasawi sa itinuturing na malawakang atake ng Russia sa Ukraine.
Mayroong 120 iba pa ang sugatan sa nasabing missile at drone attack sa Kyiv.
Bukod sa capital na Kyiv ay tumama rin ang missile sa central Dnipr, Kharkiv, Odessa at at Lviv.
Nagpatuloy ang stikes kung saan pinilit ng Ukraine na harangin ang mga missiles at drones ng Russia.
Ayon naman kay Yurii Ihnat, ang tagapagsalita ng Ukraine Air Force na ngayon lamang nila naranasan ang nasabing matinding atake.
Sinasabing gumamit ang Russi ang 158 drones at missiles kabilang ang hypersonic Kinzhal missiles, cruise missiles at Shahed drones para sa strike target sa iba’t-ibang bahagi ng Ukraine.