BOMBO DAGUPAN -Nasawi ang isang 26 anyos na lalaki matapos itong mabangga ng pamasaherong bus sa kahabaan ng National Road ng McArthur Highway sa Brgy. Palcpalac sa bayan ng Pozorrubio dito sa lalawigan ng Pangasinan
Ayon ky PMAJ. Zynon Paiking, Chief of Police ng Pozorrubio Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si Almark Sanchez Pasalo, 26 anyos at residente ng Brgy. Batakil sa parehong bayan at napag alamang walang lisensya at helmet. Kinilala naman ang bus drayber na si Joseph De Jesus Albino, 40 anyos at residente ng Brgy. Bantug-Petines sa bayan ng Alicia sa probinsiya ng Isabela.
Ayon sa kanilang imbestigasyon, 11:35 ng gabi nang patungong norte si Pasalo at ang bus patungong bayan ng Binalonan.
Nag overtake sa isang sasakyan ang bus sa kaniyang harapan at nang makasampa sa kabilang lane ay nabangga ito sa paparating na motorsiklo dahilan kaya siya nahulog ang biktima at nagtamo ng malalang sugat sa kaniyang ulo.
Agad naman itong dinala ng rumespondeng ambulansya sa isang community hospital ngunit idineklara din itong dead on arrival.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang driber at maaaring maharap sa kasong reckless imprudece resulting on homicide.










