-- Advertisements --
Patay ang nasa 25 katao matapos ang pagguho ng bahagi ng simbahan sa Ethiopia.
Naganap ang insidente sa Menjar Shenkora Arerti Mariam Church na matatagpuan sa Amhara.
Nagsasagawa ng pagtitipon ang mga tao sa simbahan ng gumuho ang scaffolding na sumusuporta sa ginagawang simbahan.
Marami kasi ng mga worshiper ang umakyat sa scaffolding para makita ang mural sa kisame kaya bumigay ito.
Dinala naman sa pagamutan ang hindi bababa sa 30 katao matapos na magtamo ng sugat sa kanlang katawan.













