-- Advertisements --

Sugatan ang 25 katao matapos ang pagtagilid ng isang barko sa Edingburg dockyard.

Dinala na ng Scottish Ambulance Service ang 15 biktima sa pagamutan habang ang 10 ay ginamot sa lugar.

Base sa imbestigasyon na biglang natanggal sa pagkakatali ang research vessel Petrel na sanhi ng pagtagilid nito.

Pinayuhan ng mga kapulisan ang mga tao na lumayo at iwasan ang nasabing lugar.