-- Advertisements --

Ibinahagi sa publiko ni California Gov. Gavin Newsom ang mga detalye tungkol sa $1-billion deal nito na bumili ng N95 protective masks mula sa isang Chinese electric-car maker.

Inilabas ni Newsom ang detalye ng kontrata matapos ang sunod-sunod na natatanggap na tanong ng kaniyang administrasyon tungkol sa naturang kasunduan.

Nakasaad dito na kinakailangang i-refund ng Chinese firm ang $247-million o halos $2-billion pesos na binayad ng California dahil naantala ang pagpapadala ng BYD sa milyon-milyong N95 masks ngayong linggo.

Kasama rin sa kontrata ng dalawang panig na kinakailangan ng nasabing Chinese manufacturer na sertipikahan ang pagiging epektibo ng mga masks katuwang ang National Institue for Occupational Safety and Health (NIOSH) bago ito ipamahagi.

Usap-usapan din ang halaga ng kontrata dahil mas mataas daw ang presyo ng kasunduan kaysa sa unang naiulat.

Paliwanag ni Newsom na dapat ay isaalang-alang umano ng kaniyang nasasakupan na nagmahal ang presyo ng mga mask dahil sa kakulangan ng supply nito sa buong mundo.