-- Advertisements --
Pagrerehistro sa mga SIM Cards dapat gawing boluntaryo eksperto

Binigyang diin ng mga otoridad na hindi nasasayang ang pagre-report ng publiko ng mga phishing scheme messages.
Ito ay kasunod ng mga ulat na muling dumami ang mga natatanggap na spam text at links mula sa mga hindi kilalang numero.
Ayon kay Roy Ibay, vice president at head of Regulatory Affairs ng SC Incorporated, nasa 24,000 mobile numbers ang kanilang permanenteng na-deactivate, isang buwan pagkatapos ng SIM card registration deadline.
Nabatid na karamihan sa mga numerong ginagamit sa iligal na gawain ay pawang imported at hindi ang mga nabibili sa local telco ng ating bansa.
Tiniyak naman ni Ibay na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa kabila ng pag-deactivate ng libu-libong SIM card numbers.
Sa isinagawang pag-verify, natukoy ang mga ito na ginagamit sa mga device na kagaya ng smart watches, tablets at iba pang gadgets na available sa merkado.