-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Aksidenteng nalunok ng isang 24-anyos na binata sa Aklan ang kanyang pustiso habang kumakain umano ng batchoy.

Dinala ang kinilalang si alyas Bert, residente ng Barangay Pusiw, Numancia sa Aklan Provincial Hospital ilang oras matapos niya mapagtantong nawawala ang kanyang suot na pustiso.

Nangyari ang insidente pasado alas-12:00 ng tanghali, kung saan habang kumakain ng batchoy nang hindi na umano niya maramdaman ang ngipin.

Sa kasalukuyan ay hirap pa rin ang lalaking magsalita matapos bumara sa kanyang lalamunan ang isang pekeng ngipin.

Inoobserbahan pa ng kanyang mga doktor ang binata kung kailangan itong operahan.