-- Advertisements --

Umakyat na sa mahigit 230 ang patay sa naranasang heat wave sa British Columbia.

Sinabi ni Chief Coroner Lisa Lapointe, mula nang magsimula ang heat wave noong nakaraang linggo, ang BC Coroners Service ay nakapagtala ng pagtaas ng bilang ng mga namatay kung saan hinihinalang dahil ito sa matinding init.

Heat Wave canada British Columbia BC
Photo from University of British Columbia FB

Ang mga coroner ay nangangalap ngayon ng impormasyon upang matukoy ang sanhi at paraan ng pagkamatay at kung may koneksiyon ba ang naranasang heat wave sa nasabing bansa.

Ang pagkakalantad sa init ng kapaligiran ay maaaring humantong sa malubhang o nakamamatay na mga resulta, lalo na sa mga matatanda, mga sanggol, maliliit na bata at mga may malalang sakit.

Nakapagtala ang mga otoridad na biglang pagtaas ng mga namatay mula sa Vancouver, Burnaby at Surrey.

Nitong araw ang Canada ay nakapag-record ng highest ever temperature sa ikatlong araw na umabot sa 49.5 degrees Celsius (121F) sa Lytton, British Columbia. (with reports from Bombo Jane Buna)