-- Advertisements --

Patay ang 23 sundalo at marami ang sugatan matapos ang pag-atake ng mga militants sa isang police compound sa Pakistan.

Naganap ang atake ng madaling araw ng biglang ibinangga ng sasakyan na may bomba sa gusali ng kapulisan sa Khyber Pakhtunkhwa province.

Inako ng Pakistan Taliban group ang nasabing pag-atake.

Ang nasabing compound aniya ay ginagamit na base camp ng mga Pakistani army.

Bago ang nasabing atake ay may ilang pagkakataon na tinangka ng mga militanteng grupo ang pag-atake sa compoun gng Dera Isail Khan district.

Napatay naman ng mga otoridad ang anim na suspek na umatake sa nasabing gusali.