-- Advertisements --

Patay ang 23 katao at 11 ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang convenience store sa Sonora, Mexico, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Patay sa bansa.

Ayon kay Carlos Freaner, presidente ng Mexican Red Cross, kabilang sa mga biktima ang 12 babae, 5 lalaki, at 6 na bata. Ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ay pagkalanghap ng makapal na usok.

Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Sonora na ang insidente ay hindi sinadya at walang kinalaman sa terrorist attack batay sa mga paunang espekulasyon.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa totoong sanhi ng sunog.

Samantala sa social media post, nagpahayag ng pakikiramay si Mexican President Claudia Sheinbaum Pardo at tiniyak ang agarang tulong ng gobyerno sa mga pamilya ng nasawi at sa mga sugatan.

‘I have been in contact with the governor of Senora, Alfonso Durazo, to offer any support needed. I instructed the Secretary of the Interior, Rosa Icela Rodriguez, to send a support team to assist the families and the injured,’ pahayag pa ni Pardo sa kanyang social media.