-- Advertisements --
Screenshot 2020 07 04 14 03 48

BUTUAN CITY – Nadagdagan na naman ng 23 bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Caraga Region.

Dahil dito, mula sa 138 ay umabot na sa 161 ang kabuuang kumpirmadong kaso ang naitala sa rehiyon.

Ang nasabing mga resulta ay nai-report matapos matanggap ng ahensya ang 219 mga RT-PCR results mula Southern Philippines Medical Center (SPMC) at Davao Regional Medical Center sub national laboratories.

Ang 50 mga samples na nagpositibo sa RT-PCR test ng COVID-19, 27 sa mga ito ang follow-up test sa una nang mga confirmed cases habang 23 naman ang mga bagong kaso.

Sa online briefing na isinagawa kagabi, inihayag ni Dr. Rodulfo Antonio Albornoz, assistant regional director ng Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD)-Caraga, nagmula sa 15 locally stranded inviduals (LSIs) at walong returning overseas Filipinos (ROFs) ang mga bagong kaso na parehong mga asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit at ngayo’y naka-strict facility quarantine.

Sa nasabing bilang, apat ang naitala sa Agusan del Sur, lima sa Agusan del Norte , walo sa Surigao del Norte at tig-iisa naman sa Bayugan City sa lalawigan ng Agusan del Sur at Bislig City sa Surigao del Sur habang habang dalawa naman sa Surigao del Sur at lungsod ng Butuan City.

Inihayag pa ng opisyal na ang 169 mga RT-PCR negatives results ay mula naman sa follow-up test ng mga unang nagpositibo sa sakit pati na sa mga probable at suspect cases.