LAOAG CITY – Nahulog sa shouder ng Garasgas Bridge sa Brgy. 35, Bil-loca sa lungsod ng Batac ang isang lalaki na driver ng motorsiklo.
Ayon kay Mr. Arvin Lumang, tagapangasiwa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang driver ng motorsiklong Yamaha NMax nga ay si John Joshua Basamot y Labanza, 23-anyos at maysa asawa.
Sinabi nito na base sa isinaliwalat ng mga nakakita sa aksidente, halos may kalaban sa pagpapatakbo ang motorsiklo dahil sa bilis nito hanggang nakarinig na lamang sila ng malakas na ingay mula sa tulay.
Ipinaalam ni Lumang na agad na nagresponde ang City Disaster Risk Reduction and Management Office kasali ng mga residente sa nasabing barangay at tulong-tulong ang mga ito na mai-angat ang driver at motorsiklo nito mula sa shoulder ng tulay.
Batad ni Lumang na swerte ang driver dahil sumabit ang driver dahilan upang hindi siya tumama sa mga matitigas na bagay na pwedeng magdala sa mas malalang sitwasyon nito.
Nalaman na nasa 10 metro ang lalim ng lugar kung saan nahulog ang biktima.
Una rito, sinabi ni Lumang na nagtamo ang biktima ng minor injuries at nalaman na nasa impluwensya ito ng alak noong nangyari ang aksidente.