-- Advertisements --

Nasa 22 katao ang nasawi matapos ang naganap na landslide sa Venezuela.

Pinaghahanap pa rin ng mga rescuers ang nasa 52 katao mula sa Las Tejerias City sa Caracas, Venezuela.

Nagmula ang nasabing landslide dahil sa ilang araw na walang tigil na malalakas na pag-ulan.

Umapaw kasi ang El Pato river na nagresulta sa pagbaha sa mga kabahayaan.

Tinawag ni Venezuelan President Nicolas Maduro ang insidente bilang nakakalungkot at masakit sa dibdib.