-- Advertisements --

Nasa 22 katao ang nasawi matapos magpakawal ang cruise missile ang Russia sa bayan ng Vinnystia, Ukraine.

Kabilang sa mga nasawai ang tatlong bata habang marami ang nasugatan.

Ayon sa State Emergency Service ng Ukraine na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa nasa malubhang kalagayan ang ibang mga pasyente.

Patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad ng Ukraine matapos ang maiulat na mayroong nawawalang mga biktima mula sa gusaling tinamaan ng missile.

Base sa mga otoridad na nas mahigit 50 gusali at mahigit 40 na sasakyan ang tinamaan ng nasabing missile.

Sinasabing ang atake ay mula sa Russian Kalibr cruise missiles na inilunsad mula sa submarine na nakatalaga sa Black Sea.

Tinawag ni Ukrainian foreign minister Dmytro Kuleba na ang missile attack na ito ng Russia bilang terorismo.