-- Advertisements --
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa South Africa sa naganap na pagkasawi ng 22 mga kabataan habang sila ay nasa nightclubs.
Nakita ang mga bangkay ng mga biktima sa sahig at ilalim ng mesa ng Enyobeni Tavern sa bayan ng East London.
Isinailalim sa pagsusuri ang mga bangkay ng mga biktima para malaman kung ano ang sanhi ng kanilang kamatayan.
Nagpaabot ng pakikiramay naman si South African President Cyril Ramaphosa sa mga kaanak ng mga biktima at ito ay dismayado dahil sa pawang mga kabataan ang nasawi.
Sa inisyal ng imbestigasyon ay posibleng nagkaroon ng stampede sa lugar kaya naganap ang pagkakasawi ng mga biktima.