CEBU CITY – Humantong sa bilangguan ang sana’y masayang pagtatalik sa isang 22-anyos at isang “sex worker.”

Sa panayam ng Bombo News Team kay alyas “Adan,” sinabi nitong habang nilalakad niya ang Manalili St., Cebu kaninang pasado alas-5:00 ng umaga ay nadala ito sa “sales talk” ng isang bugaw kaya pumayag sa nakapagpapasiglang alok.

Aniya, pagpasok niya sa kuwarto ay naghihintay na si alyas “Eva” at diumanoy humingi ito ng P500, ngunit nang naghubad na ito ay humingi ulit ang babae ng “additional tip” na P1,000.

Nang dahil sa malaking “tip” na hinihingi ng babae ay hindi na gustong ituloy ni Adan ang pakikipagtalik at kukunin na lang nito ang P500 na kanyang ibiniyad, ngunit sa halip na ibigay ng babae ang pera ay bigla na lang diumano itong umatake, dahilan sa kanyang mga sugat sa leeg at mukha.

Kaugnay nito, agad na nagpasaklolo ang biktima sa mga pulis.

Nabatid na maliban sa P500, nagbigay diumano ang biktima ng P300 sa bugaw, P500 para sa bayad sa lodge, at P100 para sa condom.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya si Eva at mahaharap sa kasong physical injury.