-- Advertisements --

Nasa 219 na mga preso sa Uganda ang nakatakas.

Kinuha rin ng mga pugante ang armas ng mga prison guard ng Karamoja sa northeastern region ng Kampala, Uganda.

Sinabi ni Brigadier Flavia Byekwaso, tagapagsalita ng security forces, tinangay ng mga pugante ang 15 AK-47 rifles, 20 magazines at mga bala.

Ilan sa mga nakatakas preso ay may mga kasong murder, robbery at panggagahasa.

Dalawa na ang naaresto habang dalawa naman ang napatay ng mga otoridad mataps na sila ay nanlaban.