-- Advertisements --

Nasa 21 katao ang nasawi sa naganap na sunog sa isang refugee camp sa Gaza Strip.

Kabilang sa nasawi ay 10 mga bata at itinakbo sa pagamutan ang ibang nasugatan sa Jabalia refugee camp.

Inaasahan ng mga otoridad na madagdagan pa ang bilang ng mga masasawi dahil sa nasa malubhang kalagayan ang mga biktima.

Itinuturing sanhi ng sunog ay mula sa gas leak sa isang sa kusina ng gusali.