Aabot sa 20,755 na bagong COVID-19 infections ang iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong araw ng Linggo, Setyembre 26.
Dahil dito, pumalo na ang total caseload ng Pilipinas sa 2,490,858.
Ang active cases ngayon sa bansa ay 161,447, kung saan 81.1% ang mild, 13.4% ang asymptomatic, 1.6% ang severe, at 0.7% ang nasa critical condition.
Pumalo naman ang total recoveries sa 2,292,006 makalipas na 24,391 pang pasyente ang gumaling sa sakit.
Para sa tatlong magkasunod na araw, walang napaulat na pumanaw dahil sa sakit dahil sa technical issues, ayon sa DOH.
“The Department of Information and Communications Technology is currently addressing issues encountered by the system. When the issue is resolved, the succeeding increase in deaths in the following reports will be due to the previous days’ backlogs,” paliwanag ng DOH.