-- Advertisements --

Inilatag ng pamahalaan Ang mga prayoridad nitong gawin sa ilalim 8-Point Socioeconomic Agenda Ng Marcos Administration sa gitna Ng 5. 268 trilyong pisong budget nito para sa 2023.

Ayon Kay Department of Budget and Management Secretary Amenah F. Pangandaman, kabilang dito Ang pagtugon sa nagpapatuloy na usapin hinggil sa inflation gayundin Ang matugunan Ang aspeto ng socioeconomic sa gitna Ng nagpapatuloy pa ring sitwasyon na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.

Bahagi din Ng prayoridad Ng Marcos Administration sa ilalim Ng 8-Point Socioeconomic Agenda Ang mapalakas Ang job creation at poverty reduction.

Kasama din Dito Ang patungkol sa Food Security, pagpapa-unlad ng transportasyon, abot kaya na Clean Energy at pagpapalakas Ng Health Care Ng bansa.

kabilang rin sa target Ng pamahalaan gamit ang 2023 budget na mapalakas Ang Edukasyon Social Services, Bureaucratic Efficiency at Sound Fiscal Management.

Ang mga gagamiting pondo Dito ayon Kay Pangandamam ay nakapaloob lahat sa budgetary allocation sa susunod na taon.