-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kaagad nasawi ang dalawang katao sa Barangay Pili, Ajuy, Iloilo, matapos pinagbabaril ng isang negosyante na political aspirant.

Ang mga biktima ay nagngangalang Ramon Articulo, 22-anyos, at kapatid na si Edmun, 36.

Ang suspek naman ay isang Ronald Causing, 50, negosyante na residente ng nasabing bayan, at aspirant sa pagka-Sangguniang Bayan member sa 2022 elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Pol. Corporal Haron Animas, imbestigador ng Ajuy Municipal Police Station, sinabi nito na base sa imbestigasyon, lasing na pumunta ang mga biktima sa bahay ng suspek at may nangyaring komprontasyon hanggang sa binaril ni Causing ang magkapatid.

Nagtamo ang mga biktima ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng kanilang pagkamatay.

Ayon kay Animas, may dati nang hidwaan sa pagitan ng suspek at mga biktima.

Sampung empty shells ang narekober sa crime scene.

Nananatili namang at-large ang suspek dala ang kanyang baril na ginamit sa krimen.