Masyado pang maaga para pag-usapan ang 2022 elections, ayon sa ilang mga kongresista.
Ito ay matapos na hingian ng komento ang mga kongresista sa panawagan para kina Vice President Leni Robredo, Davao City Mayor Sara Duterte at Sen. Bong Go na tumakbo sa pagka-pangulo sa nalalapit na halalan.
Sa isang statement, sinabi ni Deputy Speaker Bienvenido “Benny” Abante na dapat gawing prayoridad ang COVID-19 vaccination kaysa pag-usapan ang halalan sa susunod na taon.
“These are extraordinary times and I believe it is too early and too premature to think about next year’s elections; iba mga prayoridad ng ating mga kababayan ngayon,” ani Abante.
Ganito rin ang sentimiyento ni Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte, sa pagsasabi na dapat ang focus ngayon ng pamahalaan ay sa kung paano masosolusyunan ang nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
“They have all the right to aspire for the presidency in 2022 should they wish to, and I believe all three of them are competent and capable of becoming the country’s next Chief Executive,” saad ni Villafuerte.










