-- Advertisements --

Inanunsiyo na ng Miss Universe ang petsa ng kanilang 2022 pageant.

Ayon sa pageant organization, gaganapin na ito sa darating na Enero 14, 2023 sa New Orleans, Louisiana.

Dagdag pa dito na aabot sa kabuuang 85 na contestants mula sa iba’t-ibang bansa ang kalahok.

Ang pambato ng Pilipinas ay si Filipina-Italian beauty Celeste Cortesi.

Kasabay din nito ay inanunsiyo ng Miss Universe organization na sa simula ng 2023 ay papayagan na nilang sumali ang mga ina at yung mga may asawa na.