NAGA CITY – Hati ang reaksyon ng mga residente sa Japan para sa 2020 Tokyo Olympics.

Sa report ni Bombo International Correspondent Nonilyn Bravo mula sa Tokyo, sinabi nitong patuloy sa pag-ani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga mamamayan ng Japan ang puwedeng maging pinal na desisyon para sa naturang malaking aktibidad.

Aniya ang iba ay naniniwalang mas makabubuti kung tuluyan na lamang ikansela ang event, habang may mga positibo pa rin na dapat ituloy na lamang ng komite ang aktibidad.

Bagama’t pinagdedebatehan pa rin ng ilang grupo, tuloy-tuloy pa rin aniya ang ginagawang paghahanda ng bansa.

Ayon kay Bravo, base sa International Olympic Committe ay naka-schedule pa rin ang torch relay na nakatakdang gawin sa Fukushima Prefecture sa darating na March 26.

-- Advertisement --

Sa kabila nito, patuloy aniya ang panawagan ng gobyerno sa Japan na mag-ingat lalo na at lumulobo ang kaso ng COVID-19 sa bansa.