Kumpiyansa si House Deputy Speaker Mikee Romero na kayang protektahan ng 2020 national budget ang mga mahihirap sa epekto ng inflation.

“Filipinos will experience a better life with the 2020 budget,” ani Romero.

-- Advertisement --

Sa ilalim ng P4.1-trillion national budget, mayroon kasi aniyang P108.8 billion na alokasyon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan, at P36 billion naman para sa unconditional cash transfers para sa 4 million na mahihirap na Pilipino.

Samantala, inirekominda ni Romero sa Philippine Statistics Authority (PSA) at National Economic and Development Authority na ihiwalay ang sin taxes sa alcohol, tobacco at sweets sa food basket ng consumer price index.

Sa ganitong paraan ang inflation sa sin taxes sa naturang mga produkto ay hindi aniya makakaapekto sa ibang food items.

“We already have lessons learned from the 2018 inflation worries. The measures for that are still in place,” dagdag pa nito.

Pinahahanda naman din ng kongresista ng contingency plans ang Department of Agriculture sa posibleng epekto malamig na panahon sa Cordilleras pagdating sa mga hinahangong gulay doon.

Umaasa rin ito na masupil na rin sa taon na ito ang African swine flu na nakaapekto sa hog industry sa bansa noong nakaraang taon.