-- Advertisements --
Posibleng pauwiin na sa mga susunod na oras ang nasa 200 evacuees sa Marikina City, na unang nagsilikas kagabi dahil sa malakas na ulan.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, kusang lumikas nitong nakaraang gabi ang nasa 300 katao, bilang pag-iingat sa posibleng pagtaas pa ng tubig.
Pero mula kagabi ay hindi na gaanong umulan, kaya ibinaba na lamang sa alert level one (1) para sa Marikina River.
Samantala, sinabi ni Teodoro na tuloy ang pagbubukas sa Lunes ng Palarong Pambansa, dahil inayos na umano ang lahat ng paghahanda ukol dito.
Inaasahang magiging bisita sa aktibidad sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio.