-- Advertisements --
Nasa 20 sibilyan na raw ang inilikas kabilang ang ilang bata kasunod na rin pagkubkob ng Russia sa steel plant sa Ukrainian port city ng Mariupol.
Posibleng ito na raw ang pagsisimula ng mas malakihang evacuation sa huling lugar na kinubkob ng Russia.
Una rito, mayroon na ring efforts sa evacuations mula sa Azovstal steel plant.
Ayon sa mga local fighters na kasama nila ang daan-daan pang mga sibilyan na nanatili sa lugar.
Sinabi naman ng Ukrainian fighters na kabilang sa Azov regiment na siyang dumidipensa sa site, nasa 20 na sibilyan na ang lumikas patungong Zaporizhzhia, City na nasa 225 kilometres (140 miles) sa northwest.
Sa reprot naman ng Tass news agency mula Russia, sinabi ng mga itong nasa 25 evacuees na ang lumikas sa Mariupol.